Mag-apply sa Resilience.
Ilang minuto lang ang application. Basahin lang po muna itong maikling paalala bago tumuloy, para sigurado kayong sa amin talaga kayo nag-a-apply.
Bago kayo tumuloy
Libre ang pag-apply.
Walang bayad, walang reservation fee, walang “processing fee”. Ang bayad namin ay galing sa kliyenteng kompanya, hindi sa inyo.
Iisa lang ang opisyal naming form.
Ito lang po ang opisyal naming link, at dito lang sa website namin ito makukuha. Kung may ibang link na ipinadala sa inyo, huwag muna kayong maniwala.
Hindi kailangan ng resume para magsimula.
Detalye ninyo lang ang kailangan sa ngayon. Kami na ang hihingi ng resume kapag nakausap na namin kayo.
Bubuksan nito ang aming form sa Google.
Naka-host sa Google Forms ang application namin, kaya docs.google.com ang lalabas sa address bar. Normal po iyon. Ito ang tamang address, at ito lang ang tanging form na kinikilala namin.
- Address ng form
- https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdRni6TTtMBNl7aS_CO_-letnevipuo1K1FVuhwNnphagMAbQ/viewform
Magbubukas ito sa bagong tab, kaya mananatiling bukas itong page namin kung gusto ninyong balikan ang address sa itaas.
Ipapadala ninyo ang sagot ninyo sa Google Forms. Basahin po ang Data Privacy Notice para malaman kung paano namin inaalagaan ang inyong impormasyon.
- Sinumang humihingi ng bayad para mag-apply o para “i-reserve” ang trabaho
- Bayad na ipinapadala sa personal na GCash o bank account
- “Job offer” na walang interview o pirmadong kontrata
- Pinipilit kayong magbayad bago pa maipakita ang kahit anong dokumento
- Walang tiyak na opisina o landline
I-verify po ang aming DOLE Certificate of Registration sa listahan ng mga rehistradong contractor ng DOLE-NCR, o tumawag sa DOLE Hotline 1349.
Tumawag sa DOLE 1349